![azlyrics.biz](https://azlyrics.biz/assets/logo.png)
susana pichay - hindi ako iiyak lyrics
[verse 1]
kapeng aking tinitimpla, lagi ng+yong lumalamig
hindi ko malaman kung kulang sa tamis
tasang walang kibo sa ‘ki’y nakatitig
ako’t siya’y naghihintay masagi ng iyong bibig
[verse 2]
buhok na mahaba iniingat+ingatan ko
noong isang linggo’y pinaputulan ko ito
marahil ay pagod lamang ang iyong isipan
at ‘di mo napansin at hindi tinutulan
[chorus]
huwag kang mag+alala, ‘di ako iiyak
hindi magdaramdam kahit na ga+patak
ako’y pinulot mo singdumi ng burak
binigyang+pangalan itong aking anak
[verse 3]
pintong dati+rati bukas sa iyong pagdating
ng+yo’y nakasara at panangga sa hangin
‘pag ikaw ay dumalaw, ito ay katukin
kahit mahina pa ito’y aking sasagutin
[verse 4]
kay linis ng silid, walang nagkakalat
medyas at sigarilyo’y walang naghahanap
sanggol na nasanay, akala ay ama
ng+yo’y natutulog ito kahit nag+iisa
[chorus]
huwag kang mag+alala, ‘di ako iiyak
hindii magdaramdam kahit na ga+patak
pag+ibig na minsan sa iyo’y dinanas
sa tulad kong putik, tama na at sapat
huwag kang mag+alala, ‘di ako iiyak
hindi magdaramdam kahit na ga+patak
pag+ibig na minsan sa iyo’y dinanas
sa tulad kong putik, tama na at sapat
Random Lyrics
- bette - dopa min lyrics
- silent planet - of a sound mind lyrics
- ago - secret idea lyrics
- stealth & ya nina - mexico lyrics
- anoop samuel - daivathil lyrics
- mixer dunner - if you don't feel lyrics
- lollipunk - vse sam lyrics
- black wing - always a last time lyrics
- late again - caterpillars lyrics
- crypt sermon - thunder (perfect mind) lyrics