azlyrics.biz
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

switchbitch - tldr: trl lyrics

Loading...

[verse 1]

silang luminang ng lupa
sikmura’y di man lang mapunan
ilang dekadang pagkamkam
monopolyo ng iilan

di nakatapak sa lawak ng lusak
pilit ipinapagkait
mga gahaman, tuktok nakinabang
‘bang tayo’y salat at galit

samantala, silang nagpapakasasa sa lupa
‘gang nakaluklok, sistema pananatalihing bulok

kung libong yapak ang tatahak
lindol ay tiyak
kung yumanig ang sahig
kahit mga tore babagsak

[chorus]

nakaugat lahat sa lupa
nakaugat lahat sa lupa
puno’t dulo yon, doon ang solusyon
nakaugat lahat sa lupa
sa lupa ililibing, ibabaon kayong mga di nakatapak sa lupa
kayong mga di nakatapak sa lupa, ililibing ibabaon

[verse 2]

aanhin ang aning di mapupunta sa atin
angkatin dayuhang gamit sa lupa natin tinanim ang binhi
nabatid ang sanhi ng kagutuman
walang kasarinlan
iba pinagsisilbihan

nililinlang mga naglilinang ng lupa
puro pekeng reporma, pumeprenteng makamasa
bungkalan ang aming, paghihiganti
babawiin ang lupa mula sa kamay ng mga sakim

[refrain]

darating, darating ang araw na di na problema
kung paano kakain, paano pa pagkakasyahin
sa araw araw, paano pa titiisin
darating, darating ang araw na lupa ay babawiin
lilikhain natin, para sa atin

darating
darating
[chorus]

nakaugat lahat sa lupa
nakaugat lahat sa lupa
puno’t dulo yon, doon ang solusyon
nakaugat lahat sa lupa

sa lupa ililibing, ibabaon kayong mga di nakatapak sa lupa
kayong mga di nakatapak sa lupa, ililibing ibabaon

paglaya ang pagbasag ng tanikala sa lupa
paglaya ang pagbasag ng tanikala sa lupa

darating
darating
darating
darating



Random Lyrics

HOT LYRICS

Loading...