azlyrics.biz
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

siakol – p.i. lyrics

Loading...

narito ako sa isang lugar
na hindi ‘ko maintindihan
nakikipagsapalaran sa buhay
na ang hantungan ay kawalan.

de numero ang galaw ng tao,
bawat gawin ay may presyo
oh, narito ako sa isang lugar
na hindi ko maintindihan.

daing ng tao’y ‘di pinapansin
nililipad ng hangin
pagkain sa araw-araw hindi malaman
pa’no pagkakasyahin.
lalong yumayaman kapag mayaman,
lalong naghihirap kapag mahirap
oh, narito ako sa isang lugar
na hindi ko maintindihan.

walang ginagawa
ang mga walang awa
walang nagagawa kahit pa
ngumawa, magmakaawa,
b-maha ng mga luha— haaa!
b-maha ng mga luha— haaa!

narito ako sa isang lugar
ng mga taong tumatakas
naghahanap ng swerte sa iba
dahil dito’y wala ng bukas.

kakarampot na sasahurin,
sa sobrang mahal ng mga bilihin
oh, narito ako sa isang lugar
na hindi ko maintindihan.



Random Lyrics

HOT LYRICS

Loading...