written by the stars - segundo lyrics
[verse 1]
pagod na ba na maghintay?
ilang taon na nalumbay
araw+araw na nagbibilang
ng oras sa iyong kamay
[pre+chorus]
ilang beses mong sinabi na ika’y maghihintay
kahit na walang kasiguraduhan itong lakbay
kung hihinto, kung hihinto ang oras ko
iaalay sa ‘yo (iaalay sa ‘yo) natitira kong segundo
[chorus]
malayo man ating agwat, gagawin ko ang lahat
para lang, para lang mayakap kang muli
malabo mang makawala, hiling kong magkahimala
para lang, para makasama kang muli
[verse 2]
pagod na ‘ko na humakbang
tila walang katapusang hagdan
magulong lugar lang ang namamasdan
hindi malaman ang patutunghan
[pre+chorus]
ilang beses kong sinabi na ika’y babalikan
kahit na walang kasiguraduhan, puro hadlang
kung hihinto, kung hihinto ang oras ko
iaalay sa ‘yo (iaalay sa ‘yo) natitira kong segundo
[chorus]
malayo man ating agwat, gagawin ko ang lahat
para lang, para lang mayakap kang muli
malabo mang makawala, hiling kong magkahimala
para lang, para makasama kang muli
[bridge]
woah, oh, oh

Random Lyrics
- collinz music - are you going to say something? lyrics
- ndrew sadykov - pen god (“rap god” music cover) lyrics
- psychodelicate - boil lyrics
- k.o thugger - bleed lyrics
- @travismyersss - molly (not real remix) lyrics
- evil nine - for lovers, not fighters lyrics
- med meks (mne) - welcome to cg#1 (ožiljci) lyrics
- zi:kill - for my life lyrics
- iamsuffer - candied strawberries lyrics
- killiankilljoy - no show (are we history) lyrics