artists: a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9

willy san juan – guro lyrics

kasama na kita
noong ako ay bata pa
pangalaw-ng magulang ka
sa buhay kong ito

aking kaalaman
unti-unting hinubog mo
kahit minsa’y dahilan ako
sa sakit ng ulo mo

ika’y aking gabay
sa musmos kong kaisipan
dahil sa yo nagisnan ko
ang susi at ganda ng buhay
ay karunungan

koro
ikaw ang guro
ng aking paglalakbay
minana kong yaman
sa yo’y kaalaman
pagmamahal sa bayan
at sa maykapal
pabaon mo sa ‘kin
habang buhay

kaya’t sa araw na ito’y
sumasaludo ako
kasama ko ay ang
sambayanang pilipino

nagpupugay sa yo
sa serbisyong inalay mo
ilaw ka ng karunungan
ika’y sadyang gabay
sa puso ng kabataan

ulitin ang koro 2x

pabaon mo sa aki’y
kaalaman


- willy san juan lyrics

willy san juan - guro lyrics are property and copyright of their owners and provided for educational purposes and personal use only.