azlyrics.biz
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

yumi lacsamana - kayo lyrics

Loading...

teka, mama, para
ako ay bababa na
‘di ko kayang marinig

ang radyo mong madramang
nagpapa-alalang
may hapdi parin sa dibdib

ang sakit kasi
may iba na siya pati
o kailangan bang magkaganito
pero kaso nga lang eh
medyo ‘di naging kami
oa lamang talaga ako

si ate sa estribo’y
ibang makatingin
para bang nais
na niya ‘kong magising
at sabihin sa akin na

sino ka naman
para sa kanya
nasasaktan ka pa
‘di naman pala kayo.
at kahit na
anong pilit gawin,
mundo’y baliktarin
ay ‘di parin kayo.

mama, o sige
diyan lang sa tabi
bababa na talaga ako

pag-apak ko’y sumabit
at ako’y napatid
buti na lang may sumalo

“ayos ka lang ba?”
‘yon lang ang ang nasabi niya
nang biglang napayakap ako

pagsulyap ko sa kanya
parang may hawig sila
at parehas pa silang pabango

parang weirdong-weirdo
si kuya’t napailing
para bang nais
na niya ‘kong magising
at sabihin sa akin na

sino ka naman
para sa kanya
nasasaktan ka pa
‘di naman pala kayo.
at kahit na
anong pilit gawin,
mundo’y baliktarin
ay ‘di parin kayo.

‘di ko mat-tigan
‘yong tao sa salamin
pati siya’y
nais na niya ‘kong magising
at sabihin sa akin na.

sino ka naman
para sa kanya
nasasaktan ka pa
‘di naman pala kayo.

at kahit na
anong pilit gawin,
mundo’y baliktarin
ay ‘di parin kayo.

sino ka naman
para sa kanya
nasasaktan ka pa
‘di naman pala kayo.
at kahit na
anong pilit gawin,
mundo’y baliktarin
ay ‘di parin kayo.



Random Lyrics

HOT LYRICS

Loading...