alisah bonaobra – kahit di totoo lyrics
[verse 1]
kahit ‘di mo pa sabihin
nadarama ng puso kong lilisan ka
kahit ‘di mo pa aminin
alam kong puso mo ay mayro’n nang iba
[pre+chorus]
anong aking magagawa
kung ito ang tadhana?
tuluyan bang ikaw sa akin ay mawawala?
[chorus]
kaya ko na tanggapin lahat
ang mga kasinungalingan mo
kahit pa laging sinasaktan
‘di ako magtatampo sa ‘yo
kaya ko na maging bingi’t bulag
sa tahi+tahing paliwanag mo
basta’t ang laging iisipin ko
ako ay mahal kahit ‘di totoo
kahit ‘di totoo
[verse 2]
bakit ‘di maunawaan
ang puso kong tila baliw sa pagmamahal
ang luha, ‘di napipigilan
‘pag naiisip na ako ay laruan
[pre+chorus]
anong aking magagawa
kung ito ang tadhana?
tuluyan bang ikaw sa akin ay mawawala?
[chorus]
kaya ko na tanggapin lahat
ang mga kasinungalingan mo
kahit pa laging sinasaktan
‘di ako magtatampo sa ‘yo
kaya ko na maging bingi’t bulag
sa tahi+tahing paliwanag mo
basta’t ang laging iisipin ko
ako ay mahal kahit ‘di totoo
kahit ‘di totoo
[bridge]
sana bukas maisip mo
may isang naghihintay para sa ‘yo
at kahit na hindi ako
ang nilalaman ng puso at damdamin mo
[chorus]
kaya ko na tanggapin lahat
ang mga kasinungalingan mo
kahit pa laging sinasaktan
‘di ako magtatampo sa ‘yo
kaya ko na maging bingi’t bulag
sa tahi+tahing paliwanag mo
basta’t ang laging iisipin ko
ako ay mahal kahit ‘di totoo
[outro]
kahit ‘di totoo
Random Lyrics
- dylan marlowe – you did it too lyrics
- 20 minutes til sunrise – signals lyrics
- sunidhi chauhan & vishal dadlani – je t’aime (from “befikre”) lyrics
- stephen kellogg – live to love another day lyrics
- nouri – say goodbye lyrics
- iron sliver – time machine lyrics
- fanindra bhardwaj – hashr lyrics
- bain228 – не зря (not in vain) lyrics
- bustamej – chanson québécoise lyrics
- dharma dan – doing the work lyrics