ang bandang shirley – patintero / habulan / larong kalye lyrics
[part 1: patintero]
[verse 1]
patintero
sa tapat ng bahay niyo
tayo naglalaro
kung saan nahahati ang daan
ng mga linyang nagtuturo
na kahit laro ay mayroon ding hangganan
[verse 2]
patintero
sa ilalim ng araw tayo naglalaro
kung saan tayo ay sinusundan
nitong aninong magsasabi
na bawat galaw
ay may kahulugan
[chorus 1]
nais kong mahagip
ng damdamin na b-mubulusok
liliparin
nitong natatangi nating pagsuyo
habulin ang matulin
na tibok ng ating puso
at ang maiiw-ng tanong
nalang ay kung papano
[part 2: habulan]
[verse 3]
tao po
yayayain sana
kitang maglaro
kahit sandali lang
kung gusto mo
pwede tayong mag-piko
pamato mo ang aking puso
at wag mong aapakan ‘to
[chorus 2]
kasi kung ika’y aking mahuli
‘di ko kagad masasabi
kung ano ang una kong gagawin sayo
at kung ika’y maaabutan
hinding-hindi ka bibitawan
kasi kanina pa tayo
naghahabulan, naghahabulan
naghahabulan
[verse 4]
halika na
wala nang tao sa kalsada
tayo’y maglaro na muna
kahit sandali lang
magtago ka
ako na muna ang taya
di ako t-tigil
hangga’t di kita nakikita
[chorus 2]
kasi kung ika’y aking mahuli
‘di ko kaagad masasabi
kung ano ang una kong gagawin sayo
at kung ika’y maaabutan
hinding-hindi ka bibitawan
kasi kanina pa tayo
naghahabulan, naghahabulan
naghahabulan
[part 3: larong kalye]
[outro]
iyong pag-ibig ay larong kalye
iyong pag-ibig ay larong kalye
iyong pag-ibig ay larong kalye
iyong pag-ibig ay larong kalye
iyong pag-ibig ay larong kalye
Random Lyrics
- grateful dead – good lovin’ (live at the palladium, nyc, april 30, 1977) lyrics
- vince wavy – lever för alltid lyrics
- hoved – never really liked you lyrics
- rari kid – diamonds go bling bling lyrics
- kiu – legendary rap lyrics
- grabaż i strachy na lachy – idzie na burzę, idzie na deszcz lyrics
- hollis crew – it’s the beat lyrics
- limbo (pop) – sounds lyrics
- wudu – yao min lyrics
- hirie – every second (acoustic) lyrics