apo hiking society – sa bawat umaga lyrics
[verse 1]
sa bawat umagang sumisikat ang araw
alalahaning hiram lang ang buhay
ang bawat sandaling sa iyo’y lumilipas
gawain o isip, mga tula’t awitin
ay laging bigyan ng saysay
[verse 2]
sa bawat lansangan na ibig mong tahakin
hanapan ng dulong pupuntahan
sa bawat hakbang ng iyong paglilibot
kanan o kaliwa, sana’y iyong isipin
kung bakit naglalakbay
[chorus]
‘pag iyong nakalimutan ang iyong pinanggalingan
ang nais maabot ay lumalayong tuluyan
mata’y nasisilawan, budhi’y nakukulayan
naliligaw kung saan+saan
[instrumental break]
[verse 3]
sa bawat hangaring iyong ipinaglalaban
isipin ang mundo’y para sa lahat
sa bawat sandaling ikaw ay umibig
puso’y nasasagi, hapdi’y ‘di mapawi
bawat puso’y may sariling pintig
[chorus]
‘pag iyong nakalimutan ang iyong pinanggalingan
ang nais maabot ay lumalayong tuluyan
mata’y nasisilawan, budhi’y nakukulayan
naliligaw kung saan+saan
[chorus]
‘pag iyong nakalimutan ang iyong pinanggalingan
ang nais maabot ay lumalayong tuluyan
mata’y nasisilawan, budhi’y nakukulayan
naliligaw kung saan+saan
Random Lyrics
- bayang barrios – sanggol sa sinapupunan lyrics
- naota999 – school days lyrics
- tiimo2010 – joggingpants lyrics
- song xinran – black baccara lyrics
- stoopkeed – make this possible lyrics
- banda al9 – pobre menina lyrics
- jesse boykins iii – kind and nasty lyrics
- damen – your feeling are in your way lyrics
- eudora june – runaway lyrics
- nada topčagić – neka živi ljubav naša lyrics