bukas palad music ministry – noong paskong una lyrics
[verse 1]
noong paskong una, si mariang ina
sanggol niyang kay ganda, ‘pinaghele sa kanta
awit niya’y kay rikit, anghel doon sa langit
sa tamis naakit, sumamang umawit
[chorus]
pasko na, pasko na, pasko na
sumabay, sumabay sa kanta
ni mariang ina sa niñong kay ganda
[verse 2]
mga tala’t bituin, pati ihip+hangin
nakisama na rin kay mariang awitin
ang buong kalangitan, pati na rin kalikasan
hango sa awitan ng unang paskuhan
[chorus]
pasko na, pasko na, pasko na
sumabay, sumabay sa kanta
ni mariang ina sa niñong kay ganda
[verse 3]
mga tupa’t baka sa giray na kuwadra
umungol, dumamba kasabay ng kanta
pastores sa paltok, sa tuktok ng bundok
kahit inaantok, sa kantaha’y lumahok
[chorus]
pasko na, pasko na, pasko na
sumabay, sumabay sa kanta
ni mariang ina sa niñong kay ganda
[outro]
ni mariang ina sa niñong kay ganda
aleluya, aleluya
Random Lyrics
- takenobu mitsuyoshi – fairy of ice lyrics
- akthesavior – tesla lyrics
- doadust – try lyrics
- chonny jash – memento mori: the most important thing in the world lyrics
- πάνος κιάμος (panos kiamos) – pirotechnima lyrics
- d34thw12h – di4blø lyrics
- young penitent – idle tree lyrics
- yamorfey – 2002 lyrics
- jotsukemen – i’m sorry lyrics
- голость (golost’) – холодные глаза (cold eyes) lyrics