dilaw – 3019 lyrics
[chorus]
kahit nakapikit mata, naririnig kita
kahit nakatakip tenga, nakikita kita
hindi ako perpekto katulad ng iba
pero kahit naka
[verse]
pinapaikot ng mga lumot, ’yung mga utak kinukurakot
pag hindi ka natakot ika’y isasapot, gobyerno ang surot, bansa ating k+mot
puro dada, wala sa gawa, sige ngiti, ’di nakakatuwa
mga puro pangako, lahat butata, ubos na pasensya naming madla
k+makalam na ‘yung mga sikmura, biglang papasok oportunista
kakalimutan ka para sa pera, pakikisama, ‘yan ang binebenta
didiretso ka paba sa ating liko+likung sistema o sasama ka sa akin puksain ang epidemya?
na lumaganap, nagpahirap sa mahirap
tumatapos ng pangarap, ‘di na mahagilap ‘yung mga ulap
habang tayo’y naghihirap, sila, sige sa pagkalap ng yaman na dapat panglingap sa ating mahihirap
[bridge]
hindi ko nilalahat
hindi lahat nagkakalat
sa dami ng hayop sa gubat, alam ko hindi lahat nangangagat
silipin mo sa daksipat, makikita sinong tapat
hindi sapat ang iyong mata, pagkat hindi kapa mulat
[chorus]
kahit nakapikit mata, naririnig kita
kahit nakatakip tenga, nkikita kita
hindi ako perpekto katulad ng iba
pero kahit nakapikit mata, naririnig kita
Random Lyrics
- shiroan – 幻愛流 (kimeru) (english ver.) lyrics
- ssarun – vertrauen lyrics
- dr. alimantado – best dressed chicken in town lyrics
- lil zé – encostei no shopping e comprei balenciaga lyrics
- hallway swimmers – shoulders lyrics
- line gilje petterson – masken lyrics
- yungeen ace – 9x outta 10 lyrics
- auralnauts – the last laser master – radio edit lyrics
- raina (kor) – 같이 있고 싶어 (treat you better) lyrics
- martín el pro – el rap de martín el pro lyrics