azlyrics.biz
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

ely buendia – metro lyrics

Loading...

bulag sila sa mga pahirap
na iyong nararanasan
′di nila naiintindihan

at may mga nagbibingi+bingihan
sa mga kasinungalingan
‘di kaya sila ay bayaran?

kamatayan at sakit
kalayaan ay nagigipit
lupa at dagat natin ay pinagsasanla

kapatid, ′di pa ba nagsasawa?
tumatakbo ang metro
‘wag ka ngang muling magpapalinlang
sa pangakong pinako
mga abuso sa kapangyarihan
at maling pamamalakad
ang sagabal sa kaunlaran

walang pinuno ang hindi marunong
lutasin ang mga problema
ito’y panata nila sa bayan

simulan ang pagbabago, sa isang pinuno
na may pagmamalasakit at paninindigan

panahon na upang imulat
ang mata sa katotohanan
pandemya at kawalan ng kabuhayan
′asan na ang nawawalang lupa′t pera?
bagsak ang ekonomiya
‘di ka ba nagtataka?

pinunong may talino, puso at tapang
ito ang kailangan ng ating bayan

kapatid, ′di pa ba nagsasawa?
tumatakbo ang metro
isa lang ang ‘yong pagpipilian
pangulo ba o panggulo?
pangulo ba o panggulo?
pangulo ba o panggulo?
pangulo ba o panggulo?
pangulo ba o panggulo?
pangulo ba o panggulo?



Random Lyrics

HOT LYRICS

Loading...