azlyrics.biz
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

kemikal ali – palong-palo lyrics

Loading...

[verse1]
ohh
wag panghinaan ng loob
kalmado lang kasi maganda ang kutob
makulay and istorya at ang buod
kung malas ka kanina buwenas ang kasunod
yan ay ayon sa mga matanda
susundin mo ba ang payo ng hindi pumlakda
choice mo yan wag kang padikta
damputin na ang baraha ikaw puminta
at kung bumungad ay liwanag aba’y magaling
tanggapin ng maluwag at yong mahalin
parang asawa mo na malakas ang dating
yakapin mo dali wag mo lang sakalin
ops! maghunos dili dili ka pa rin
maging magalang kahit di’ taga gagalangin
ang pagkakataon iyo nang harapin
hakbangan mo na agad and dapat mong hakbangin

[chorus]
palong palo ka nanaman
ang isip mo lumilipad sa kung saan-saan
palong palo ka nanaman
alam ko yan
palong palo ka nanaman
ang sasabihin ko di’ mo maintindihan
palong palo ka nanaman
alam ko yan

[verse2]
malapit nang umulan
mababasa ka lang pag di’ pinaghandaan
unless bumuhos ay salapi
mabagsakan ka man ikaw ay nakangiti
aminin mo ika’y makamundo
na tulad ko hindi kuntento sa husto
inanyayahan ang tukso masunod lang ang gusto
parang pinuno ng kulto
diyos ko po alam kong may pag-asa
wag lang dadayain ng tadhana ang balasa
pag nagkaganun mangangamoy sonata
diskaril, dislocated and panata
kung balak ay humilata na lang
at ayaw manakit and pangangatawan
wag ka nang umasa ng lubos sa talento
kung pundasyon matabang sa s-m-nto

[chorus]
palong palo ka nanaman
ang isip mo lumilipad sa kung saan-saan
palong palo ka nanaman
alam ko yan
palong palo ka nanaman
ang sasabihin ko di’ mo maintindihan
palong palo ka nanaman
alam ko yan

[verse3]
maganda ang hinaharap
bangon agad bakit di’ pa mag-g-yak
mukhang wala kang alalahanin
mukhang matibay and kapit mo sa bangin
ako’y bumibilib sa tatag mo
sana sa tagumpay tayo’y magpanagpo
sa palasyo mo ako kaya’y patuluyin
sa mga piling putahe ako ba’y bubusugin
ito’y makahulugang pagkakataon
upang umahon sa ating pagkakabaon
at pag nagkag-yon at nagtagumpay
wala ka nang rason na maging matamlay
kahit walang responde ay masigla
no sudden movements kahit mabigla
mga batikos at salong-salo
wala namang epekto kasi palong-palo

[chorus]
palong palo ka nanaman
ang isip mo lumilipad sa kung saan-saan
palong palo ka nanaman
alam ko yan
palong palo ka nanaman
ang sasabihin ko di’ mo maintindihan
palong palo ka nanaman
alam ko yan



Random Lyrics

HOT LYRICS

Loading...