noel cabangon – malaya lyrics
pasensya na, kung patutulugin muna
ang pusong napagod sa kahihintay
kaya sa natitirang segundong kayakap ka
maari bang magkunwaring akin ka pa?
mangangarap hanggang sa pagbalik
mangangarap pa rin kahit masakit
baka sakaling makita kitang muli
pagsikat ng araw, paglipas ng gabi
kung ‘di pipilitin ang ‘di pa para sa’kin
baka sakaling maibalik
malaya ka na, malaya
isusuko na ang sandata, aatras na sa laban
‘di dahil naduduwag kundi dahil mahal kita
mahirap nang labanan mga espada ng orasan
kung pipilitin pa, lalo lang masasaktan
mangangarap hanggang sa pagbalik
mangangarap pa rin kahit masakit
baka sakaling makita kitang muli
pagsikat ng araw, paglipas ng gabi
kung ‘di pipilitin ang ‘di pa para sa’kin
baka sakaling maibalik
malaya ka na, malaya
malaya ka na, malaya
Random Lyrics
- atrophy – hollow lyrics
- pyres – wiser lyrics
- bhampagne x – movie lyrics
- gtherealmgawd – ok im back from break lyrics
- xerthrul – inner feeling lyrics
- kc beck – the machinist lyrics
- jarod – bref lyrics
- greg the goat – crib lyrics
- lil b – black smile lyrics
- elva hsiao – 兩個人的寂寞 (loneliness of two people) lyrics