azlyrics.biz
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

radioactive sago project – ang bansa ng pambansa lyrics

Loading...

[intro]
ang bansa ng pambansa
ang bansa ng pambansa ng pambansa ng pambansa
ang bansa ng pambansa
ang bansa ng pambansa ng pambansa ng pambansa

[verse 1]
may pambansang sagisag itong mahal kong bayan
may pambansang bayani na si gat jose rizal
may pambansang awit din itong lupang hinirang
na pati ang pagkanta’y pagmumulan ng away
para itong pambansang alagad nitong sining
na ginaw+ng aliwan sa halip na aralin
kung bakit ang pambansang sayaw itong tinikling
o sipa ang pambansang laro’t laruan natin?
samantalang sa suntok tayong lahat sumikat
sa bawat pagwag+yway ng pambansang watawat
kaya pambansang araw ay dapat na ilipat
sa laban ng pambansang kamao itatapat

[chorus]
ang bansa ng pambansa
ang bansa ng pambansa ng pambansa ng pambansa
ang bansa ng pambansa
ang bansa ng pambansa ng pambansa ng pambansa
[verse 2]
kahit ang kahayupan ay ating dinakila
isa nga itong bangus na pambansa na isda
ngunit higit sa lahat ang pinaka+pambansang
hayop ay ang kalabaw na may pambansang wika
kung agila nga itong ating pambansang ibon
bakit ito pa ay galing sa salitang espanyol?
ginawa pang pundasyon ang kinathang “haribon”
g+yong may katutubong pangalan na si banoy
mayroon ding pambansang puno tayo sa nara
mayroon ding pambansang prutas tayo sa mangga
may pambansang bulaklak tayo sa sampaguita
may pambansang damo ba na ‘di marijuana?

[chorus]
ang bansa ng pambansa
ang bansa ng pambansa ng pambansa ng pambansa
ang bansa ng pambansa
ang bansa ng pambansa ng pambansa ng pambansa
ang bansa ng pambansa
ang bansa ng pambansa ng pambansa ng pambansa
ang bansa ng pambansa
ang bansa ng pambansa ng pambansa ng pambansa

[verse 3]
(palay, bigas, kanin)
palay, bigas, kanin lang ang dapat na igiit
palay, bigas, kanin lang
(palay, bigas, kanin)
na pambansang halaman sa panahon ng krisis
palay, bigas, kanin
(palay, bigas, kanin)
palay, bigas, kanin lang at hindi lechong biik
palay, bigas, kanin lang
(palay, bigas, kanin)
ang pagkaing pambansa, kung ‘di man pandaigdig
(palay, bigas, kanin)
pambansang kanin
palay, bigas, kanin lang ang dapat na igiit
(palay, bigas, kanin)
na pambansang halaman sa panahon ng krisis
palay, bigas, kanin lang (palay, bigas, kanin)
palay, bigas, kanin lang at hindi lechong biik
palay, bigas, kanin lang (palay, bigas, kanin)
ang pagkaing pambansa
kung ‘di man pandaigdig



Random Lyrics

HOT LYRICS

Loading...