azlyrics.biz
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

slim albino – ngalay lyrics

Loading...

1st verse:
halos araw-araw na nga tayong magkasama
‘di alam kung sa’n nagkulang at kung sa’n sumobra
sa madilim kong mundo, ika’y nagbig-y liwanag
ngunit ng-yo’y napundi nang ‘di maipaliwanag

sabi mo sa’kin napapagod ka na
kita sa mukha mo ‘di ka na masaya
tinatanong kita kung maaayos pa ba
natin ‘to kasi kung ‘di naman hindi ko na rin ipipilit pa

ayaw ko na rin namang umasa
na tayong dalawa’y magkapag-asa
kailangan nga ba natin ang isa’t isa
o mas kailangan nating ang mapag-isa?

hook:
magkahawak ang ating mga kamay
mga araw ay lumilipas
napapagod at ramdam na ang ngalay
nauubos na ang oras

2nd verse:
hawak ko ang bote ng alak na malamig
maya-maya’y nakahiga na rin sa may sahig
sa pagitan ng daliri, may nakasindi
ang tanging nagpapainit sa akin sa gabi

sa simula nga lang ba mainit ang pagsasama?
lumalaki ang puw-ng sa gitna ng ating kama
napatid na ang lubid na nakatali sa atin
maski matibay ang bag-y ay nasisira pa rin

’di ko nga alam kung bakit ba nagkagan’to
maski pasmado’y hahawakan ko ang kamay mo
ngunit ng-yo’y unti-onti na ‘tong dumudulas
totoo ngang lahat ng kwento ay maryo’ng wakas

(hook)



Random Lyrics

HOT LYRICS

Loading...