azlyrics.biz
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

spongecola – una lyrics

Loading...

muli namang umihip sa akin
ang hangin ng pagiisa
liwanag kang dagling sumilaw
sa aking mga mata

linilingon, sinusundan
dumadalas ang minsan
ika’y naryan, abot tanaw
kahit walang dahilan

maiiwasan ba
ang bawat sandaling ika’y laman ng isip ko
(maiiwasan bang)
ngayo’y lilipas ng hindi kita nasisilayan
(magkamali sa’yo)
nararapat bang pigilan ang damdamin na
(maiiwasan bang)
lalong mahulog sa iyo

walang maitutulad sa sumpang iyong linikha
putulin man ang tali ay sadyang walang kawala

sa pagkaakit, at di paglapit
nan-n-langin, at umaasang

maiiwasan ba
ang bawat sandaling ika’y laman ng isip ko
(maiiwasan bang)
ngayo’y lilipas ng hindi kita nasisilayan
(magkamali sa’yo)
nararapat bang pigilan ang damdamin na
(maiiwasan bang)
lalong mahulog sa iyo

hindi padadala
hinding hindi padadala
hindi padadala