azlyrics.biz
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

terapyutiko – makamit lyrics

Loading...

unang barang tumatak
ang mga letrang sumasapak
sa bawat rimang sinaksak

habang ang pawis ay pumapatak
nakikipagsabayan ang mga nagliliparang ideya
sa paliparan ng aking utak
ay nagbanggaan na trahedya
inipon ang lakas
buong pwersang di aatras
binaklas ang malas
para patas nasaamin ang alas
kelangan ba itaas
kung hihilahin din ng mga ahas
hindi na kelangan ng basbas
para sa landas ng mga pantas
antas de kaledad, armas de kalibre
pantas parang la solaridad, kalayaan ay libre
sentido k+mon, hasain para di pumurol
pag hindi lumampas sa talampas
tawagin mo itong burol
daming sumiksik
kahit batikan ka ng magsaliksik
sige ikaw na ang magbagsik
wag ka lang maghasik
ng lagim sa gabing malalim
pa sa tubig ng tasa mo
walang lasa to, kahit ipasa mo
walang dating, kahit ipahasa mo

hinangad na makamit
isagad kahit masakit
huwag ka lang magpumilit
maglakad kahit mainit
huwag ka lang magpalit
magtiis lang kahit mangawit
huwag ka lang maiinip
madilim man ay kayang sumilip

hinangad na makamit
isagad kahit masakit
huwag ka lang magpumilit
maglakad kahit mainit
huwag ka lang magpalit
magtiis lang kahit mangawit
huwag ka lang maiinip
madilim man ay kayang sumilip

lasahan mo muna ang salita
bago mo idura sa madla
para maayos ang timpla
haluhan ng puso ang tula
kahit di maganda ang simula
puro bula at puna
kahit puno ng puno ng eksena
kame naman ang mauuna
sining ng imahinasyon
paningin mo ay atraksyon
matindi niyong misyon
mapakinggan ng nasyon
leksyon na sa atin
ang papausbong na rebulosyon
kunsumisyon ang aabutin
bago makuha ang tamang solusyon
alam kong marami pa kong
dapat na matutunan
pero kaya kong panindigan
lahat ng aking binibitawan
impossible man
ang aking mga layunin sa buhay
pantay kahit kamay
puro latay ako′y nagpapakatunay
landas na tahakin mo man ay bali baliko
wag kang malilito
patuloy ang pagikot ng mundo
wag kang hihinto
nakaya ng iba yan ang isipin mo
tandaan, patutuwirin ko
ang daan sa pagbabalik ko

hinangad na makamit
isagad kahit masakit
huwag ka lang magpumilit
maglakad kahit mainit
huwag ka lang magpalit
magtiis lang kahit mangawit
huwag ka lang maiinip
madilim man ay kayang sumilip

hinangad na makamit
isagad kahit masakit
huwag ka lang magpumilit
maglakad kahit mainit
huwag ka lang magpalit
magtiis lang kahit mangawit
huwag ka lang maiinip
madilim man ay kayang sumilip

derecho lang ang lakad
parang martsa ng militar
imbitado kayo parang
ang lahat ay kasya na sa altar
ipagdidiw+ng natin
ang ipinagkakait na demokrasya
ang lipunang inaapi
ay nagkasakit at nadisgrasya
terapyutikong epekto, walang depekto
sayantipikong talento kaya makuntento
o’neal (shaquille) kung sumentro
edison (thomas) pag imbento
genghis khan sa emperyo
wright (frank lloyd) kung dumisenyo
utak pang high minds
sulat pang mongol
pasabog parang land mines
gulat parang rambol
pinilit higpitan ang kapit
kahit sa pag sabit malapit
k+malawit ng labis
lapis ay pangtunaw ng galit
ituring kasaysayan katunayang
wala namang katibayan
umastang walang pag galang
ba′t di paghusayan
ang iulat ang nakakalat
na dapat marahil sapat
ang apat na daang
taong paglapat ng sulat

hinangad na makamit
isagad kahit masakit
huwag ka lang magpumilit
maglakad kahit mainit
huwag ka lang magpalit
magtiis lang kahit mangawit
huwag ka lang maiinip
madilim man ay kayang sumilip

hinangad na makamit
isagad kahit masakit
huwag ka lang magpumilit
maglakad kahit mainit
huwag ka lang magpalit
magtiis lang kahit mangawit
huwag ka lang maiinip
madilim man ay kayang sumilip

hinangad na makamit
isagad kahit masakit
huwag ka lang magpumilit
maglakad kahit mainit
huwag ka lang magpalit
magtiis lang kahit mangawit
huwag ka lang maiinip
madilim man ay kayang sumilip

hinangad na makamit
isagad kahit masakit
huwag ka lang magpumilit
maglakad kahit mainit
huwag ka lang magpalit
magtiis lang kahit mangawit
huwag ka lang maiinip
madilim man ay kayang sumilip



Random Lyrics

HOT LYRICS

Loading...