azlyrics.biz
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

traega – issue agad lyrics

Loading...

konting galaw mo lang, meron agad na komento
may masasabi na mali, kala mo perpekto
alam nila lahat, kasi sila lang matalino

buka agad bibig, kahit di pa buo ang kwento

ayaw mahuli, kaya makikisali na
ikaw ang pinakacool, pag demonyo magsalita
labanan, pagalingan palutungan magmura
sa mga, taong ‘di nila lubusang kilala

minsan kang magkamali, wala ka ng kawala
ang pagkatao mo, ilalag+y na sa baba
masamang tao ka na, kalat na to sa madla
kasi nga may video na, huli ka na sa camera

sira ka na sa lahat, kalat na sa internet
makita nila saglet, ayan na masasakit
na komentong negative, na pupunit ng dibdib
kung makapagsalita, akala mo ang babait

bawat kilos mo naging issue agad
konting mali mo lang, naku! issue agad
gumawa ka man ng tama, issue agad
mga tao, makagawa ng issue sagad

bawat kilos mo naging issue agad
konting mali mo lang, naku! issue agad
gumawa ka man ng tama, issue agad
mga tao, makagawa ng issue sagad

pananamit ng iba, bakit di mo maiwasan
mamuna, baka di mo lang kayang bayaran
o inggit ka lang, kasi di mo magawa ang…
gusto mo, nilamon ka ng di mo katauhan

mga ugaling, hindi na makatao
di nalang ibaling, ang sarili sa trabaho
wag nalang bilangin, ang mali ng ibang tao
sarili mo nalang, para naman may pagbabago

habang sila nananahimik, ‘kaw puro dada
sila umaangat, ikaw issue, ginagawa
iwan ka na, kaya ng+yon puro ka lang ngawa
konting galaw nilang mali, may masasabi ka

ang gagaling, akala mo naman ang bubuti
parang walang mali, akala mo kapuripuri
kung magmilinis, ‘kala mo walang dumi sa ugali
pero pagharap sa salamin, kadiri na sa dami

bawat kilos mo naging issue agad
konting mali mo lang, naku! issue agad
gumawa ka man ng tama, issue agad
mga tao, makagawa ng issue sagad

bawat kilos mo naging issue agad
konting mali mo lang, naku! issue agad
gumawa ka man ng tama, issue agad
mga tao, makagawa ng issue sagad

di ako perpekto, para magsalita
ang sa akin lang, kung ano ang masama
di na dapat pang parisan, wala na dapat gumawa
ang mahalaga, makagawa ng maganda

kung may nakita kang mali, itama mo nalang
hindi yung dapa na nga, lalo mo pang dadaganan
kung di mo titigilan, asahan mo na ang
paparating na karma, hindi ka nyan tatantanan



Random Lyrics

HOT LYRICS

Loading...